Small Business at Buwis: Ang Katotohanan Tungkol sa Tax Compliance

Sa iba’t ibang lugar at pamilihan, hindi na bago ang pamilyar na galaw ng maliliit na negosyo. May maliit na sari-sari store sa harap ng bahay, karinderya sa kanto, ukay-ukay na itinitinda sa live stream sa social media, at pati na rin ang habal-habal na bumibiyahe sa mga rutang hindi naabot ng regular na transportasyon. […]